...Tag-ulan na.
Friday, June 1, 2007
listening to: Sakura Kiss - Ouran High School Host Club
mood: upside down
Hello, June is here. Tag-ulan na.
Minsan masaya ako 'pag umuulan, kese walang pasok. XD Masarap ang pakiramdam na nakahiga sa kama, may tasa ng tsokolate sa tabi, nagbabasa ng isang makapal na nobela, tapos ang tugtog ng radyo ay New Radicals. Ewan ko ba, kahit na parang pang-hippie ang tunog nila ay nakakapagpagaan ng aking damdamin. Kontento ang pakiramdam ko.
Habang binabaril ng ulan ang paligid, ako'y lunod sa mga kumot at 'di nilalamig. Masarap din kumain ng mainit na sabaw kasabay ang pamilya.
Pero may mga panahon din na nakakalungkot ang ulan. Ang lahat ay walang kulay at tahimik. Tila dinadala ng ulan pababa ang damdamin ng lahat. Nakababasag ng damdamin.
Hay.
***Tee-hee. Just brushing up on my Filipino. Anyway, a quiz! It's been so long since I took one:
Your Vocabulary Score: A- |
![]() |